Marami na tayong kwento ang narinig tungkol sa online class sa Pilipinas.
Nung nakaraang taon, nagtrending pa ang #AcademicFreeze sa social media upang mahinto ang online class.
Na delay man ng ilang buwan, natuloy pa din ang klase noong 2020-2021 at kanya kanyang meme, tweets, posts ang lumabas tungkol sa experiences nila.
Ang tanong…
Mahirap nga ba ang online class sa Pilipinas?
Online Class Bago ang Pandemya
Hindi naman bago ang online class bago pa man mag pandemya. Sa katunayan, marami ng school at kolehiyo ang sumusubok sa online class or distance learning.
Nariyan ang UP Open University or Angelicum na kung saan ang mga estudyante ay dapat lamang magpunta sa campus isang beses sa isang buwan upang mag exam or mag report sa guro.
Nandyan din ang mga guro na mahilig magpa online requirement, gamit ang Google Drive or Facebook Group.
May mga paandar pa ngang paramihan ng likes, or video na dapat mag viral para lang ma incorporate ang digital learning.
Samakatuwid, noon pa man, nakikita na natin na magkakaroon ng online class makalipas ang ilang taon.
Online Class sa Kasalukuyan
Ngunit kahit hindi na ito bago sa panahon ngayon, mukhang sa kasalukuyan ay hindi pa handa ang lahat ng estudyante para sa online class.
Imbes na alternatibong pamamaraan, naging sapilitan o tanging pamamaaraan ito para sa mga mag aaral.
Nauso ang mga salitang Zoom, Google Meet, Video Call, Online Class, Google Form Quiz, at online submission.
Tuwing umaga, naging regular na ang pag tatagpo ng guro at estudyante online upang matuto ng bagong kaalaman.
Napadali o Nahirapan?
Para sa iba, napadali ang pag aaral. Sino ba naman ang hindi masasayahan sa ideyang hindi mo na kailangan lumabas, maligo or magbihis ng maganda upang pumasok?
Dati rati, pinipilit mo ang saraili mo na bumangon. Ngayon, kailangan mo na lang ng lima o sampung minuto para buksan or I setup ang iyong laptop, cellphone or tablet sap ag aaral.
Para sa mga working student, hindi na nila kailangan mag adjust ng schedule dahil naging iisa na lang ang schedule ng online classes.
Sa kabila ng mga ito, mayroon din naming nahirapan at hindi nakasabay sa mabilisan at matinding pagbabago.
Watch: Stand for Truth: Online learning class, kakayanin ba sa bansa?
Mahinang Internet Connection
Sabihin na nating ang isang pamilya ay may apat na anak. Ang apat na anak ay posibleng mag sabay sabay sa paggamit ng isang internet connection.
Paano na lang kung mayroon pang isang nag tatrabaho na naka work from home?
Ito ay nag reresulta sa pag absent o hindi pag habol sa klase dahil sa hindi stable ang connection.
Buti na lang, yung iba ay hindi na kailangan ng video upang maka save ng data.
Share your Stories: Learning Board
Limitadong Pagtuturo
Mayroong mga subject na akma ang online class, ngunit mayroon din namang masasabi nating limitado ang pagtuturo.
Para sa mga lecture o diskusyon, ang video presentation ng isang guro ay posibleng maging benepisyo. Hindi kana magaalala na mahina ang boses, or hindi makarinig.
Meron ding screen recording, na ginagawa ng ibang bata upang mabalikan kung ano ang napagaralan.
Ngunit para sa mga praktikal na pagtuturo, kailangan pa din ng face-to-face o tradisyunal na pagaaral.
Kailangan nilang makita, mahawakan o maranasan sa personal upang maintindihan kung paano ito gagamitin.
Read: Guro ibinahagi ang hirap ng online class para sa special education students
Mas maraming oras para maglaro at mag social media
Maaring hindi ito ang katotohana sa iba, ngunit mukhang mas napahaba ang paglalaro ng mga ilang kabataan sa online games.
Bakit? Lahat ng kabataan sa ngayon ay may tinatawag na personal na gadget.
Hindi na nila kailangan mang hiram dahil napilitan ng sila ay bilhan ng kanilang magulang. Imbes na bag o notebook, bumili na lamang sila ng tablet o laptop.
Bukod dito, hindi na nila kailangan maglaan ng walo o sampung oras sa iskwelahan.
Dati ay kailangan pang bumyahe, ngayon ay kailangan na lamang i hinto ang call.
May ilan pang setup na sa umaga lang ang online class at sa hapon ang pagsasagot ng module.
Hindi natututukan ang pag aaral
Mapalad ang estudyanteng merong magulang na walang trabaho upang matutukan ang pag aaral ng anak.
Ngunit para sa iba, walang ibang magbabantay sa kanila na guro, magulang, o ate habang nag aaral.
Sa ganitong pagkakataon, nawawalan ng iba ang disiplina upang mag aral.
Dati, mayroong guro ang tututok sa kanila. Sa ngayon, kelangan nila na maging disiplinado.
Kung ikaw ang papipiliin, ano ang mas gugustuhin mo: online class sa Pilipinas o tradisyunal na klase?
Sa kasalukuyan, mukhang nangangailangan pa ng dalawa hanggang tatlong taon upang makabalik ang lahat sa normal.
Nariyan ang bakuna, ngunit kailangan pang mag sanay at mas maging maingat bago maibalik ang dating nakasanayan.
Sa panahon na maging okay na ang lahat, ano ang pipiliin mo?
Gugustuhin mo ba ang tradisyunal na pamamaraan? O pipiliin mo ang nakasanayang online class?