- This topic has 0 replies, 1 voice, and was last updated 1 year ago by Micah Dimatera.
-
AuthorPosts
-
Mar 31, 2023 at 10:33 PM #299811Micah DimateraParticipant
May balak ka rin bang mag apply ng scholarship? Malaking tulong nga naman ang scholarship sa mga estudyante. Bawas bayarin o gastusin sa ating mga magulang.
Ngunit, hindi basta basta makakuha ng scholarship. Ang dapat gawin ay maging manapanuri. Ang pag-aapply ng scholarship ay maaaring mag-iba-iba depende sa klase ng scholarship at ang organisasyon o institusyon na nagbibigay nito.
Itanong mo ang mga sumusunod:
1. Ano ang kailangan ko bago mag apply?
Bago ka mag-apply ng scholarship, siguraduhin mong alam mo ang mga kinakailangan ng scholarship provider. Ito ay maaaring mag-include ng transcript of records, recommendation letters, essay, at iba pa. Siguraduhing basahin mo nang maigi ang mga kundisyon at alamin kung ikaw ay kwalipikado para sa scholarship.
2. Anong klaseng scholarship ang gusto kong applyan?
Maraming mga uri ng scholarship na maaaring magamit, tulad ng academic scholarship, athletic scholarship, artistic scholarship, at iba pa. Pumili ng scholarship na pinakasusulit sa iyong pangangailangan at interes.
3. Kelan ang deadline ng pagsubmit ng form?
Kung nakakumpleto ka ng mga kinakailangan, magsumite ng application form para sa scholarship. Siguraduhin na ang application form ay kumpleto at walang mga nawawalang impormasyon.
4. Kumpleto naba ako ng requirements?
Kung kinakailangan, magpasa ng mga kinakailangang dokumento, tulad ng transcript of records, recommendation letters, at iba pa. Siguraduhing lahat ng dokumento ay naka-attach nang maayos.
5, Hanggang kelan ko pwedeng antayin ang resulta?
Matapos magsumite ng application form at mga kinakailangan, maghintay ng feedback mula sa scholarship provider. Kung ikaw ay nakapasa sa initial screening, maaaring magkaroon ng interbyu o examination bago ma-determine kung ikaw ay bibigyan ng scholarship.
Mahirap sa umpisa ngunit pwede kang mag apply hanggat nasunod or nakumpleto mo ang mga kailangan! Good luck!
-
AuthorPosts
Please log in or register to reply to this learning.