Bumagsak ako sa subject. Anong gagawin ko?
Ang hirap tanggapin na matapos mong mag puyat sa pag rereview, o gumastos para sa requirements, ay hindi ka pa rin pumasa.
Hindi mo siguro alam kung paano mo sasabihin sa magulang o mga kaibigan mo ang hindi kaaya-ayang balita.
Karaniwan, ang unang reaksyon ay kalungkutan o pagkagalit sa guro. Nariyan din ang pagtatanong sa sarili kung ano ang iyong pagkukulang.
Ngunit, bago ka malugmok o mag isip ng masama, dapat ay maintindihan mo muna ang mga dahilan ng iyong pagbagsak.
Bakit bumagsak ako sa subject?
Makipagusap sa guro. Ang unang dapat mong tanungin ay ang nagbigay sa iyo ng marka. Bilang guro, mayroon siyang dahilan kung bakit hindi ka pumasa. Marahil ay may kulang kang requirements, o di kaya may markang hindi nabilang sa iyong final grades. Dapat, maintindihan mo muna ang iyong pagbagsak.
Mga dahilan kung bakit karaniwang bumabagsak sa subject:
- Hindi umaattend o no show sa klase.
- Bagsak na exam, quizzes, o proyekto.
- Kakulangan sa nasubmit na proyekto.
- Hindi naisamang pangalan sa isang group activity.
- Pagkakamali sa pag-record.
Ngayong nalaman mo na ang dahilan kung bakit bagsak ka sa subject, dapat ay makagawa ka ng paraan.
Ano ang pwede kong gawin para pumasa?
Mayroon ka bang kulang na napasa? Ano ang sinabi ng iyong guro tungkol sa marka? Pwede ba siyang magbigya ng considerations?
Tandaan, na hindi lahat ng pagkakataaon ay mabibigyan ka ng special na exam o proyekto. Sapat na ang buong semestre upang makapag pasa at marahil ay iyon ang iyong pagkukulang.
Ngunit, kung nagkataon na mabibigyan ka ng deadline, dapat lamang ay gawin mo na ang nararapat para ikaw ay makapasa!
Paano kung talagang bagsak ako sa subject?
Gawin itong learning experience. Hindi lahat ng pagkakataon ay papasa ka. Tandaan na hindi lang naman ikaw ang kauna-unahang bumagsak sa subject.
Kung bumagsak ka sa subject mo, huwag mo ng uulitin ang iyong pagkukulang.
Sabihin agad sa magulang, at humingi ng tawad.
Magsabi na ikaw ay mag susummer class para ma-take mo ito ulit. Siguro sila ay magagalit, ngunit wala namang magagawa ang galit at lungkot.
Hindi ito sapat na dahilan para ikaw ay tumigil, o mawalan ng gana sa iyong pagaaral.
Dapat kapag ikaw ay bumagsak, matuto ka nalang tapusin ang iyong nasimulan!
Mayroon ka bang karanasan na nais ibahagi? Pwede kang mag submit ng article o entry sa learning board.