Financial Freedom: Ano nga ba ang Insurance?

Alvin Bolanos
| | 3 min read

Kamusta po kabayan!

Pinili ko pong sumulat gamit ang sarili nating wika para magkaroon po tayo ng koneksyon at mas maramdaman natin ang bawat isa.

Ako po si Alvin Bolanos isang licensed financial advisor ng Philamlife at licensed pharmacist sa isang drug information system company.

Dalawang propesyon na magkaugnay sa aspetong Pangkalusugan. Insurance at Gamot ang mga pangunahing bagay na aking pinagkakaabalahan. Karamihan sa atin ayaw ng konseptong ito. Siguro dahil hindi pa gaanong mulat ang mga tao sa kung gaano nga ba kahalaga ang insurance sa buhay ng tao. At kung paano ito makatutulong sa atin sa panahon ng Krisis gaya ng kung kailangan nating magpagamot.

Nagdesisyon akong pumasok sa industriyang ito dahil na rin sa mga nakaraang pangyayari sa pamilya namin. Naospital dati yung kapatid ko.

Nag-agaw buhay sya dahil sa malubhang typhoid fever na umakyat hanggang utak nya. Isang buwan sya halos sa hospital. Walang insurance yung kapatid ko. Kaya sa savings kami umasa. Nagbenta ng lupa yung tatay ko. Nagambag din ng pera ang kamaganak namin dahil sa laki ng hospital bills.

Bukod sa emosyunal na bigat ng problemang ito andun syempre yung pinansyal na aspeto na mas nagpapabigat pa. Simula noon, bago pa ako magcollege, sabi ko sa sarili ko. Ayoko nang makakita ng tao na mahirapan sa pagbayad ng hospital bills. Nagtake ako ng pharmacy at naging licensed pharmacist. Nagtratrabaho ko sa isang drug reference company na kilala sa Pilipinas at abroad. Dito ko din nalaman kung gaano kamahal ang presyo ng mga gamot sa Pilipinas. Biruin mo may gamot pala na aabot  mula isang libong piso hanggang dalawangpung libong piso ang isa.

So paano na lang kung ang gamutan ay isang lingo? Isang buwan? Paano kung panghabang buhay? Saan kukuha ng pambayad?

Photo from Philamlife Health Insurance Coverage

Paano pala Kung nasa lahi ng pamilya nyo ang sakit na cancer or heart attack? Papaano kung naaksidente ka?

Sapat na ba ang HMO nang kompanya na pinagtratrabahuhan ko? Naisip mo na ba kung paano ang gagawin? Manghihiram sa kamaganak or bahala na?

Karamihan sa atin pag narinig ang insurance isa lang ang nasa isip. Ay insurance pag namatay lang ang benefits nyan.

May Tama naman ng kaunti. Pero hindi lang kapag namatay ang benepisyong makukuha sa insurance.

May tinatawag tayong Health Insurance na tumutulong sa atin kapag ka nagkaroon tayo ng malubhang sakit lalu na sa pagtanda.

Meron din Insurance kapag ka nagaksidente ka sa motor, sasakyan o kung ano mang klaseng aksidente na nagdala sa iyo sa kapahamakan. Para syang guardian angel mo na aagapay sa iyo kapag ka may masamang nangyari sa iyo. Meron din namang insurance na may savings component na kapag hindi ka namatay, naaksidente o nagkasakit ay pwede mong mawithdraw lalu nap ag retired ka na. Ito ay ang sikat ngayon na kung tawagin natin ay VUL or Variable Life Insurance. Meron ding insurance plans para sa pagaaral ng mga estudyante kapag nagkolehiyo. Para habang maaga pa, mapaghandaan na ang gastos sa matrikula.

Ngayong pandemic ba at laganap ang COVID-19 virus, makatutulong po ba si Philam life dito?

Opo, may hospitalization benefits na matatangap once maconfine sa hospital.

Sasabihin ng iba madalas. May HMO na ako. May insurance na ako sa company. Ang halaga ng HMO ay 150,000 lamang at hanggang nagtratrabaho kalang covered usually hanngang 55 years old lang. Nalabas ang mga sakit pagtuntong ng 60 years old. Panahong retirado na at wala nang HMO at trabaho.  1 million or higit pa ang gastos pag nagkasakit at naospital.

philam life insurance
Photo from Philamlife Health Insurance Coverage

Mahal nga ba ang insurance? Opo kung kukuha ka nito kapag medyo may edad na. Pero possible pa namang makakuha kahit ang mga senior citizens.

Kung kaya mas bata at malusog pa mas magandang kumuha ng insurance. Halimbawa ba ung may sakit na, makakakuha pa kaya ng insurance? Sa amin oo, pero mahal na rin ang premium.

Maganda ang insurance kasi ito ay pooling of funds na kapag ka kailangan mo na. May pondong magagamit para sa mga gastusin sa panahon ng kagipitan. Ang insurance kasi ay isang uri ng pagtutulungan. Ang aksidente, sakit, sakuna at pagpanaw ay mga bagay na pwedeng dumating sa buhay ng tao. Isa dyan ay siguradong mangyayari talaga, kaya mas maganda nang handa.

Dahil pandemic ngayon, online na lang ang application. Via zoom, skype or fb pwede nang magapply ng insurance. Ang requirement na kailangan ay ang valid ID at internet connection. Hindi na kailangan pang lumabas ng bahay.

Para sa LIBRENG konsultasyon. Pwede nyo akong makausap gamit ang detalye sa ibaba.

Tara usap tayo 😊

 

Alvin C. Bolanos, Philamlife Licensed Financial Advisor, Registered Pharmacist

Fb account: Bisitahin

Contact number: 09425220143

Fb page: Philam Life Health Insurance Coverage

Email: alvin-c.bolanos@philamlife.com.ph

Email:  alvincamata.bolanos@gmail.com

Alvin Bolanos

Subscribe
Notify of
guest

0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments
Clopified