Kurso sa Kolehiyo: Ano ang dapat kong kunin? #CollegFreshmenTips

Contributor
| | 3 min read

May napili ka na bang kurso sa kolehiyo?

Sabi nga nila, ang pagpili ng kurso ang isa sa pinaka mahirap na desisyon na pwede mong kaharapin pagka-graduate mo ng high school.

Sino ba naman ang hindi matatakot dito? Bukod sa aaralin mo sya ng apat na taon, isa rin siya sa magiging basehan ng iyong career pagka-graduate mo.

Tandaan na ang iyong future ay hindi limitado sa iyong kurso. Ngunit, isa itong magiging tulay sa pipiliin mong trabaho.

Kung ikaw ay graduate ng Nursing, natural lamang na ikaw ay magtrabaho sa clinic, hospital o larangan ng medisina. Kung ikaw ay graduate ng BS Accountancy, posible na ikaw ay mag aapply sa board exam para maging CPA.

Ngunit, paano nga ba ang tamang pagpili ng kurso sa kolehiyo?

Narito ang ilang tanong pwede mong magamit sa iyong pag dedesisyon.

kurso sa kolehiyo

1.  Ano ang aking hilig at nagpapasaya sakin?

2. Saan ako magaling at ano ang aking kahinaan?

3. Ito ba ang nakita kong gagawin sa susunod na sampung taon?

4. Ang kolehiyo bang napili ko ay mayroon ang napili kong kurso?

5. Ano ang mga kaabit na gastos sa aking kurso?

6. Mayroon bang mga scholarship, o allowance na pwedeng applyan para sa kurso?

Ano ang aking hilig at nagpapasaya sakin?

kurso sa kolehiyo nagpapasaya

Sabi ng professor ko noon, dapat ito raw ang unang tanong na lagi nating tinatanong sa sarili natin.

Kadalasan, kaya tayo hindi nag eexcel sa ating ginagawa ay dahil sa kawalan ng interest sa isang bagay.

Halimbawa, naisipan mong mas masaya ang paglilibang at pakikisalamuha sa iba. Kaya’t imbes na ikaw ay tumutok sa iyong pagaaral, mas ginugusto mo pang gawin ang iba.

Sa tingin mo ba ay masayang usapin ang ekonomiya, produkto at galaw ng takbo ng market, bakit hindi ikaw kumuha ng BS Economics?

O, isa kaba sa mahihilig mag mobile games? Meron ng kurso na may kinalaman sa development ng applications at mobile games sa IT Sector.

Dapat ang kurso sa kolehiyo ay tugma sa iyong hilig.

Saan ako magaling at ano ang aking kahinaan?

kurso sa kolehiyo strengths

Bilang isang senior high school student, dapat ay alamin mo kung ano ang iyong lakas. Hindi sapat ang grado para maging basehan.

Nandyan rin ang mga sinasabi ng ibang tao, tulad ng iyong guro at kaibigan.

Sa tingin mo ba ay magaling ka sa Mathematics, Science or English? Paano naman ang iyong public speaking o written reports?

Sa kabilang banda, dapat din ay maging aware tayo sa ating kahinaan.

Si Aaron, isa kong klasmeyt nung high school, ay kilala sa pagiging magaling na manunulat sa Pilipino. Ngunit nang siya ay mag kolehiyo, kinuha nya ang course na AB English.

Ang sabi niya, nais niyang mapaunlad ang kanyang kakayahan sa ganitong wika. Ito ay isang halimbawa ng pagpili ng kurso upang sanayan ang ating kahinaan.

Ito ba ang nakikita kong gagawin sa susunod na sampung taon?

Sampung taon. Parang matagal siya kung iisipin ngunit napakabilis lang kung sakali.

Bakit? Halos apat na taon sa kolehiyo, at anim na taon sa pagsisimula sa trabaho.

Ang kagandahan sa bawat kurso sa kolehiyo, binibigyan niya ang bawat estudyante ng pasilip kung ano ang gagawin nila sa mga susunod na taon.

Isipin mo na lang, na kapag ikaw ay nagtapos ng kolehiyo at pumasok sa trabaho, gigising ka sa umaga upang gawin iyon.

Dapat ay makita mo ang sarili mo na gawin iyon sa mga susunod na sampung taon.

Kung hindi, dapat mong pagisipan ang iyong desisyon.

Ang kolehiyo bang napili ko ay mayroon ang napili kong kurso?

UST from Wikipedia
Photo Credit: List of University of Santo Tomas Wikipedia

Minsan, nagkakataon na ang napili mong kurso ay wala sa napili mong kolehiyo.

Kapag ikaw ay sigurado na, maari mong i-review ang mga programa upang malaman kung nasa listahan ba ang iyong kurso.

Kung wala, pwede pang maapektuhan ang iyong kolehiyo ngunit sa panahon na hindi ito pwede palitan, kailangan mong mamili ng kurso na malapit sa gusto mo.

Read: Pagpili ng Unibersidad: Paano nga ba? #CollegeFreshmenTips

Ano ang mga gastos na kaakibat sa aking kurso?

kurso sa kolehiyo

Hindi biro ang magpa-aaral sa kolehiyo.

Bukod sa matrikula, mayroon kang mga gastusin na dapat mong paglaanan ng pansin.

Nariyan ang libro, uniporme, allowance, OJT at iba pang requirements.

Dapat ay alamin kung ano ang mga pagkakagastusan na posibleng kaharapin upang maiwasan ang mga pinansyal na problema.

Karaniwan, ang kakulangan sa pang tustos ang dahilan sa paghinto ng mga kabataan. Kaya’t nararapat lamang na maihanda na ang ating mga magulang, o ang iyong bulsa.

Mayroon bang mga scholarship, o allowance na pwedeng applyan para sa kurso?

Huwag kang mag-alala.

Kung sa tingin mo ay ang pinansyal na problema ang magiging dahilan ng iyong hindi pagpapatuloy sa pagaaral, tandan na mayroong mga nakahandang tulong para sa lahat ng mga nangangarap na mag tapos! 😊

Dapat lamang ay maging matiyaga sa pag apply at paghahanap ng nararapat na programa.

Contributor

Register for free & contribute to our collections! Write an article, post learning, and share files through ClopiTask. Or, send your work via email - connect@clopified.com

Subscribe
Notify of
guest

0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments
Clopified