- This topic has 0 replies, 1 voice, and was last updated 3 years ago by Jay Manalo.
-
AuthorPosts
-
Mar 20, 2021 at 12:23 PM #294116Jay ManaloParticipant
Katulad mo rin ba ako na nalilito sa kaibahan ng Pandiwa at Pang-abay? Simula siguro high school nalilito na ako sa gamit at kahulugan ng dalawang ito. Kaya ngayon, subukan nating bigyan ng linaw ang lahat.
Ang “Pandiwa” o “Verb” ay bahagi ng pananalita or wika na nagsasaad ng kilos, aksyon o galaw ng isang tao, bagay o hayop. Nagsasad din ito ng oras kung kailan nangyari ang isa askyon.
Alam mo madali naman talaga ito maintindihan, magbibigay ako ng mga simpleng halimbawa sa ibaba.
1. Ikaw ay nagbasa.
2. Siya ay nagbabasa.
3. Tayo ay magbabasa mamaya.
Kung iisipin natin, basta mga salitang nagsasad ng kilos “pandiwa” yan. Siguro isama nalang natin yung salitang “ay” para silang “is, are” pandiwa din sila di nga lang direktang nag sasasad ng kilos.
Ano naman ang kaibahan ng Pang-abay? Pamilyar ka ba sa “Adverb” sa English 8 parts of speech? Tama ka, ang Pang-abay ay tulad ng Adverb. Ang Pang-abay ay bahagi ng pananalita na nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay.
Ibig sabihin nagbibigay diin ito sa mga salitang nasa anyo ng mga susumusunod klasipikasyon.
1. Nagbibigay diin sa Pandiwa (Verb).
Halimbawa: Siya ay paulit-ulit na nagbabasa.
Pansinin natin yung salitang “paulit-ulit,” Ano ba ang sinasabi “paulit-ulit?” Tama ka, nilalarawan nito o binibigyang diin ang salitang “nagbabasa” na nasa anyong pandiwa.
2. Nabibigay diin sa Pang-uri (adjective).
Halimbawa: Siya ay napaka ganda.
Pansinin ang salitang “ganda” ito ay isang salita ng nasa inyong Pang-uri o Adjective sa English. Ang Pang uri ay mga salitang naglalawaran sa isang bagay, hayup o pangyayari. Nakakalito isipin na meron palang isa uri ng pananalita na nagbibigay diin sa mga salitang naglalawaran. Siguro para madaling tandaan, kapag ginawa mong exaggerated ang pag describe sa isang bagay sigurado may roon kang ginagamit ng pang-abay.
3. Nagbibigay diin sa kapwa Pang-abay.
Nakalilitong isipin ng ang pang-abay ay pwede ring magbigay diin sa kapwa pang -abay. Paano ba iyon? Siguro mas mabilis natin maiintidihan kapag may halimbawa.
Halimbawa: Si Mark ay sobrang mabilis magsalita.
Pansinin ang salitang “sobra” binibigyang diin nito yung salitang “mabilis” na isang pang-abay din. (wag malito sa pang uri, minsan iisipin mo pang uri. Oo pwede, pero sa pag gamit natin sa halimbawa na yan, isa siyang pang-abay. Bakit pang-abay dahil ang binibigayang diin nito ang salitang “magsalita” na isang pandiwa.
Malinaw na ba o medyo nalilito ka pa rin? Kung mayroon kang tanong o isang magandang halimbawa, siguro mas maganda i-share mo yan dito. Mas makakatulong tayo sa mga naghahanap pa ng sagot o malalim na pag intindi.
- This topic was modified 3 years ago by Jay Manalo.
- This topic was modified 3 years ago by Jay Manalo.
- This topic was modified 3 years ago by Jay Manalo.
-
AuthorPosts
Please log in or register to reply to this learning.