Buhay PUPian, nakakamiss din.

Tagged: ,

Viewing 1 post (of 1 total)
  • Author
    Posts
  • #294540
    Ruds SottoRuds Sotto
    Participant

    Naalala ko pa yung panahong nag aaral ako sa PUP, nakakamiss din. Nakapasimple lang ng lahat.

    Bali gusto ko sana i-share dito yung buhay ko sa PUP noong college pa ako.  I hope na makaralate dito yung mga students din na grumaduate or nag aaral palang sa PUP.

    I live in Antipolo and until now dito parin ako umuuwi. Tandang tada ko pa noon. Ang tingin ko sa PUP ay isang napakalaking university at napaka layo sa amin.

    Noon unang labas ko pa Maynila, kinakabahan ako kasi ang daming tao tapos di pa ako sanay bumiyahe malayo. Tapos makalipas isang buwan nasanay din ako. Minsan LRT, minsan jeep diretso cubao tapos lilipat ng STOP n SHOP na biyahe papuntang Sta. Mesa.

    Noong taon ko ata sa PUP yung pinaka memorable ko. Kasi lahat ng first time ko, dun ko rin naranasan. Kumakain kami ng sabay sabay ng mga kaibigan ko. Super mura ng food sa PUP.  Siguro, sa halagang 15php may meal ka na na burget steak with rice.  Isama mo pa yung 7php ng unli lugaw.

    Pinaka natatandaan ko noon ay yung una kong P.E. subject.  Tennis yun. Naglalaro kami sa gitna ng initan. Pero masaya lang. Tapos feel na feel ko pa iyon before. Wala ako ibang iniisip. Yung buhay ko lang bilang isang estudyante. Despite walang pera, nag eenjoy ako nun.

    Isa pa sa pinaka naalala ko sa PUP ay yung mga panahon na gumagawa kami ng play or yung mag acting kayo sa mga literature classes nyo. Grabe mga ginagawa namin noon. Effort kung effort. Nakakapagod pero masaya.

    Ang dami at ibat iba ang tao sa PUP, yung  mga classmates mo galing sa ibat ibang probinsya rin. May taga bulacan, pampangga, quezon, tarlac, zambales, at maraming pang iba.

    Siguro, kung may babalikan lang akong isang alaala sa PUP ay yung panahong nakilala ko yung mga totoo kong kaibigan. Namimiss ko yung idea na sama sama kami. Wala kaming pake sa iniiisip ng iba at masaya lang kami sa ginagawa namin. Hindi ko malilimutan yung araw na wala kaming pasok at tumatakbo lang kami ng mga kaibigan ko sa OVAL. Nag papalipad lang kami saranggola. Masaya lang at nagtatawanan.

    Sa mga taga PUP or balak palang mag aral dun. Sana wag nyo sayangin chance at mag aral din mabuti. Pero syempre i-balanse at piliiin pa rin sumaya at maranasan ang mga bagay na minsan mo lang mapagdadaanan habang nagaaral sa PUP.

    Maraming salamat sa nakabasa nito. Marami pa ako gusto sabihin talaga. Lalo na dun sa part na kasama ko yung mga kaibigan ko. Sana mabasa nila ito. Salamat kasi nasabi ko ito dito at masaya ako nabahagi ko kahit papaano yung story ko. Maraming salamat. 🙂

     

Viewing 1 post (of 1 total)
Clopified