Paano mag respond kapag hindi alam ang sagot sa boss?

Viewing 1 post (of 1 total)
  • Author
    Posts
  • #299003
    Emely SandovalEmely Sandoval
    Participant

    Sino dito yung first time mag trabaho? Tapos work from home pa. Akala ko pa naman ang dami kona alam sa school. Tapos pagdating sa work, biglang parang hindi ako aware sa nangayayari.

    Don’t worry guys. Hindi kayo nagiisa. Ako din same na same yung feeling. Na hire ako this year, tapos nag promise ng work from home until December 2021 sa work. After daw, pwede kona ma meet yung mga ka office ko. Finally! Hindi na Zoom meeting. So ayun nga, kaso minsan hindi ko nagegets yung instructions sa chat at email.

    Tapos ang hirap pa ng jargon, tipong anong nangyayari talaga matatanong mo sa sarili. In case lang na nasa same situation kayo, pwede kayo gumamit ng ibat ibang questions.

    1. Repeat the instructions and confirm if tama ba yung pagkakaintindi mo. 

    Ito talaga yung pinaka subtle way of clarifying sa work. Pag di mo gets, try mo iparaphrase yung sinabi sa chat. Tapos kapag may hindi tugma, iko-correct ka na lang ng supervisor mo.

    2. Describe your first step.

    Minsan alam na natin yung goal pero di mo alam simulan. So pwede ring i describe mo yung first step mo sa boss mo. In this way, ma didirect ka nya if ano ba ang dapat gawin.

    3. I compare sa previous tasks.

    “Is this the same with what I did yesterday?” Yan! Minsan kasi same lang naman talaga yung mga ganap. Sadyang naiba lang yung context. From what I learned so far, repetitive naman talaga yung mga tasks. Nagkakataon lang na iba yung pagakaka direct this time.

    4. I check sa co worker.

    Finally! Ito na ata pinaka madali. May advantage din if instructions ay sent via chat or email. Madali na lang kasi mag snip or screenshot. I send mo screenshot sa katrabaho mo. Malay mo, ma tulungan ka nya.

    Ang masasabi ko lang, NEVER start a task kapag hindi sigurado. Mas madali mag mukhang willing to learn kesa nagmamarunong. Pag nagkamali ka, ikaw mapapahamak.

    Kaya natin to, guys!

Viewing 1 post (of 1 total)
Clopified