Practical Tips: My first 2 years in driving a car

Tagged: ,

Viewing 1 post (of 1 total)
  • Author
    Posts
  • #294120
    Hanna ArcillaHanna Arcilla
    Participant

    2 years palang ako nag da-drive pero marami na ako gustong i-share sa lahat. Siguro, hindi ito yung mga technical na bagay pero ito yung mga practical na dapat ninyong ilagay sa isipan nyo sa mga unang taon ninyo sa kalsada.

    1. Lagi mag tabi ng at least 1000php sa sasakyan.

    Hindi mo alam ang mga pwede mangyari kalsada. Dapat lagi ka lang may cash. Minsan, alam mo na may pera sa bank account mo pero paano nalang if bigla kang masiraan or need mo mag gas pero walang malapit na ATM. Anong gagawin mo? Minsan may mga taong tutulong sayo pag may cash ka on hand.

    2. Bumili ng additional tools.

    Mas okay kapag meron kayong pang series. Yung cable na kinakabit sa isa pang car battery kapag na discharge yung battery ng car nyo.  Mag invest kayo sa mga additional tools kasi dapat lagi kayong handa once masiraan.  Maliban sa pang series. Bumili din kayo ng cable na pwede nyo ikabit sa car nyo if mangyari na hahatakin kayo ng isa pang sasakyan.

    3. Laging alamin ang number ng insurance company.

    Lately ko lang ito nabigyan ng pansin. Siguro maganda balikan nyo yung contract nyo sa insurance company nyo. Minsan may mga free towing service anywhere papunta sa car service center. If masiraan kayo, sila sasagip sa inyo promise.

    4. If mahuli ng MMDA or City Traffic Officer, wag makipagtalo, i-admit kung talagang mali kayo.

    Ito talaga proven ito. Kapag bago palang kayo sa driving imposible na di kayo mahuli once. Ito ang isa sa pinakamahalaga sa akin. If alam nyo na talagang mali nyo, please wag na po mag reason out. I-admit nyo nalang po na mali at humingi sorry. Minsan if makipagtalo kayo mas magiging worst lahat. Need nyo paramdam sa kanila na yes narerecognize natin sila at may point sila. Sa experience ko, marami na nagpatawad sa akin. Basta iparamdam mo sa kanila na they are also doing there job at naiintindihan mo sila. Siguro, at some point may mga officer na talagang nagpaparinig ng (suhol in exchange of ticket), don’t tolerate those act but please be guided with you current situation and schedule.

    5. Magpagas ng sapat.

    Minsan sa simula, magugulat tayo pag mabilis maubos gas natin. Siguro kasi di pa tayo sanay. Wag natin tipirin yung gas. Need talaga natin mag allot ng budget for it kasi pinili natin mag car. Dapat sapat wag sakto sakto. Mahirap tumirik sa gitna. Minsan traffic at kakabahan ka kung aabot ka sa pinaka malapit na gas station.

    Ayun, yan yung mga personal kong experices sa first 2 years ko sa pagda-drive. Meron ba akong di pa nasabi? Feel free to share yours here.  Salamat sa pagbabasa. 🙂

Viewing 1 post (of 1 total)
Clopified