Gusto mo bang mag-apply ng student permit sa LTO upang makapag-aral kang mag drive? Kung ikaw ay 16 taong gulang pataas, maari ka na mag-apply upang makapagsimula ka na. Gusto ko lang ibahagi kung ano ang aking mga narasan.
Requirements para sa LTO Student Permit
Bago ka magpunta sa LTO o sa satellite branches nito, dapat ay ihanda mo muna ang mga original at photocopy ng mga sumusunod:
- Theoretical Driving Course Certificate (TDC)
- PSA Birth Certificate
- Valid ID
Ang Theoretical Driving Course (TDC) Certificate ay isang seminar na dapat mong makumpleto. Ito ay karagdagang requirement ng LTO upang masigurado na ikaw ay may kaalaman sa pagmamaneho. Dapat ay maka-attend ka ng seminar sa loob ng 15 na oras. Mayroon ding nag o-offer ng online test.
Ang iyong napiling review center ay mag-u-upload ng certificate sa LTO. Siguraduhin na accredited ito at may partnership sa LTO.
Sa aking karanasan, umattend ako sa A-1 Driving School sa SM North Edsa. Hinati ito sa tatlong araw, at bawat session ay may exam. Hindi lamang tungkol sa requirements ng student permit ang ibinihagi, maging ang mga dapat tandaan sa pagmamaneho.
Bukod sa A-1 Driving School, nariyan din ang Globe, Smart, Gear Up, Prestige, at iba pa. Bisitahin ang kanilang website.
Proseso sa Pagkuha ng Student Permit
Kapag nakumpleto na ang iyong dokumento, maari mo ng simulan ang proseso
- Medical Certificate. Ang unang bahagi ay ang medical certificate. Kailangan mong pumasa sa eyesight test para masigurado na ikaw ay may kakayahang magcheck sa kalsada kabilang na rito ang mga traffic signs.
- LTO Form. Matapos mong makapasa sa exam, ikaw ay kailangang magkumpleto ng form. Siguraduhin na dala ng iyong original birth certificate. Kung wala, mag pakita ng passport.
- Processing Fee. Bayaran ang student permit fee – 317.63.
- Picture at Permit. Ikaw ay kakailanganin kuhaan ng picture. Pagkatapos, ikaw ay bibigyan ng kopya ng student permit na valid ng 1 year.
Pagkatapos mo makumpleto ang proseso, pwede ka ng mag aral sa loob ng isang buwan. Pwede ka magpaturo o mag enroll sa driving school para sa ibang maari mo pang matutunan.
Ganoon lang ka simple kumuha ng student permit. Sa totoo lang, ang totoong challenge ay kung paano ka papasa sa exam at sa mismong driving test.
Mga iba pang bagay na dapat mong alamin:
- Siguraduhin na nakakabasa sa English at Filipino.
- Kailangan ay physically at mentally fit.
- Walang anumang paglabag o violation na hindi pa na naayos.
- Magkaroon ng parent’s consent kung hindi pa 18 years old.
- Alamin ang TIN kung employed.
- Para sa mga foreigners, magdala ng isang copy na nagpapakita ng passport entry.
Gaano katagal at magkano ang posible mong gastusin?
Sa kabuuan, ito ang lahat na pwede mong magastos:
P450 – Medical Certificate
P317.63 – Student Permit
P2,300 – TDC Certificate (A1 Driving School)
P195 – Birth Certificate Request (SM North)
Total: P3,262.63
Tandaan na ito ay pwedeng magbago depende sa clinic, branch at driving school na mapupuntahan mo. Mabilis lamang ang pag-apply depende sa branch. Maari kalang abutin ng 1-2 oras sa pagrelease ng iyong student permit.
Mayroon ka bang karanasan? Maari kang magpasa ng iyong mga sinulat sa ClopiTask.