Nag tatrabaho ka ba sa service industry? Ano ang gagawin mo kung nakatagpo ka ng nagagalit na customer? Paano mo siya planong pakalmahin?
Madalas, napakahirap ng sitwasyon natin kung may isang taong nagagalit dahil sa ating serbisyo. Madalas tayo ay maapektuhan rin. Bakit?
Sino ba namang gusto makakita ng sumisigaw na customer, at minsan ay iinsultuhin ka pa. Hindi lang ang iyong serbisyo, kung hindi pati ang iyong ginagawa.
Nakakasira ng emosyon, tam aba?
Ngunit alamin natin kung paano pakalmahin ang mga nagagalit na customers.
Alamin mo muna kung bakit sila nagagalit bago sila pakalmahin.
Ano po ang nangyari?
Paano ko po kayo matutulungan?
Pwede po bang sabihin ninyo sakin kung bakit kayo nagagalit?
Ano nga ba ang karaniwang dahilan kung bakit nagagalit ang mga customers?
Hindi sila masaya sa ating serbisyo.
Meron silang napansin na hindi natin Nakita.
Iba ang natanggap nila sa kanilang inaasahan.
Mayroon silang dinadalang problema.
Upang mapakalma ang ating customers, dapat ay matanong muna natin sila kung ano ang pinaka dahilan ng kanilang galit.
Imbes na tayo ay makipagsabayan sa kanilang nararamdaman, dapat ay ito ang maging alistong reaksyon natin.
Makinig ng mabuti, upang malaman ang nararamdaman.
Kilalanin ang kanilang nararamdaman.
Naiintindihan ko po at hindi niyo po iyan dapat nararamdaman.
Pasensya na po sa nangyari. Nauunawan ko po kung saan kayo nanggaling.
Tama po na hindi niyo dapat iyan naranasan.
Kapag nalaman mo nang kanilang kinakagalit, dapat ay bigyan mo sila ng kakampi. Madalas, ang tao ay nagagalit kapag may iba pang sumasalungat sa kanila.
Kahit na minsan ay mali sila, dapat ay malaman nila na handa kang making at tulungan sila.
Sa gayong paraang, makakapagsimula kayo ng tamang paguusap.
Magbigay ng suggestions upang tuluyan silang pakalmahin.
Paano po kaya kung….
Nasubukan niyo na po ba…
Ano kaya kung…
Upang maayos na ang problema, dapat lamang ay makapag bigay ka ng solusyon. Isa bai tong problema na kanilang dinulot? Kung oo, turuan sila ng mahinahon upang mabago ang kanilang pananaw.
Kung ito ay pagkakamali ng inyong kumpanya, dapat ay i-tama ang iyong mali.
Sa huli, ang intension mo lamang ay huwag ng maulit ang nangyaring problema kaya dapat ay masabi agad kung paano ito mababago.
Humingi ng tawad.
Kapag naayos na ang problema, dapat lamang ay magtapos ito sa paghingi ng tawad.
Kung nararapat lang na magbigay ng token o credit, huwag magdalawang isip dito. Sa huli, ang pagpapasaya sa customer o pagpapabuti ng serbisyo ang pinakamahalaga.