Pagpili ng Unibersidad: Paano nga ba? College Freshmen Tips

Contributor
| | 3 min read

Ilang taon na lang at ga-graduate kana sa pagiging senior high school! Ngunit, napagisipan mo na ba kung paano ang tamang pagpili ng unibersidad?

Nakaka excite ang idea na matapos ang dalawang taong pagsasanay sa mga skills na kailangan para maging professional, nariyan naman ang kolehiyo para makuha ang diploma.

Marahil ay gusto mong maging isang ganap na doctor, kaya’t dapat kang makakuha ng medisina.

Kung ang nais mo naman ay isang maging guro, dapat lang ay makapag aral ka ng kursong may kinalaman sa edukasyon.

Ngunit, saan mo ito kukunin? Nakapili ka na ba ng unibersidad?

Pagpili ng Unibersidad: Paano nga ba?

Narito ang ilan sa mga rason o dapat hanapin kung ikaw ay pipili ng unibersidad.

UST from Wikipedia: Pagpili ng Unibersidad
Photo Credit: UST Wiki Article

Ano ang kurso at programa ng unibersidad?

Sabi nga nila, may kanya kanyang kahinaan at kalakasan ang unibersidad. Dahil dito sa tinatawag na priority o flagship para sa mga estudyante.

Halimbawa, ang UP Manila ay kursong may kinalaman sa medisina samantalang ang PUP Manila ay kilala sa mga kursong may kinalaman sa architecture at engineering.

Dahil kurso at iyong hinaharap ang nakasalalay pagtapos ng kolehiyo, dapat lang na ikaw ay mag research sa kanilang mga programa.

Kung nagbabalak ka mag board exam, pwede mo ring alamin ang performance ng school taun taon sa board exam.

Read: NLE Results: Nursing Board Exam Top Performing Schools

Saan ang lokasyon nito at gaano ito kalayo sa amin?

Kahit mayroong class, nararapat pa ring alamin ang distansya o lokasyon ng iyong unibersidad.

Dapat mong tiyakin na handa ka kung sakali na bumyahe papunta sa iyong campus.

Kung hindi naman, handa ka bang mag boarding house o lumipat malapit sa iyong school.

Marami akong kakilala noon na naapektuhan ang kanilang pag aaral dahil kailangan nilang bumyahe ng dalawa hanggang tatlong oras araw araw papunta sa campus.

Wala namang masama pumili ng malayong school, lalo na’t kung gustong gusto mo doon. Basta ay dapat willing kang mag sakripisyo sa byahe kung kinakailangan.

Kung hindi, dapat lang din ay piliin mo ang may magandang online system.

Photo Credit: Caraga State University Facebook Page

Read: SIS for Students: Learn How to Use It

Magkano ang tuition fee at iba pang bayarin?

Aminin man natin o hindi, nangangailangan na sapat na budget ang lahat ng pagaaral.

Kailangan mong malaman kung magkano ang gagastusin ng iyong magulang bawat semester. Dapat din ay masabihan sila at mag meet halfway ang budget.

Bukod sa budget, dapat ay maghanda rin ng pang allowance at iba pang gastusin.

Mayroon bang gastusin para sa uniporme? Paano naman ang internship? Dapat ba ay local o international employment?

Photo Credit: Sienna College of Taytay Official Website

Mayroon ba itong magagandang pasilidad?

Maganda sana kung lahat ng campus ay mayroong pantay pantay na pasilidad. Ngunit ang katotohanan, Malaki ang pagkakaiba na meron tayo.

Halimbawa, hindi lahat ay may “Research Center” na kung saan pwede makahanap ng libro at maka connect s amalakas na interne connection lahat.

Mayroon namang sariling bulwagan para sa mga play or pagtatanghal.

Ang ibang classroom ay airconditioned, ngunit karaniwan ay wala.

Ilan lang iyan sa mga dapat na chinecheck sa tuwing pipili ng campus.

Gusto mo ba ang klase ng pasilidad na meron sila?

Ano ang opinion ng aking mga kaibigan sa pagpili ng unibersidad?

Sa totoo lang, hindi magandang basehan ang school ng iyong kaibigan or kasintahan sa pagpili ng unibersidad.

Sa takot nating makakilala ng bago, pinipili natin ang mga campus na mayroon na tayong kakilala.

Kahit na maganda na hindi kana mag aadjust sa bago mong school, mas mabuti pa rin ang mag desisyon para sa iyong future.

Bulacan State University: Pagpili ng Unibersidad
Photo Credit: Bulacan State University

Ano ang reviews o sinasabi ng ibang alumni?

Ngayon na meron na tayong access sa online, marami na tayong pwedeng mabasa ukol sa review ng iba.

Huwag mahiyang magbasa, o magbahagi ng iyong karanasan tungkol sa school.

Pwede itong maging gabay sa mga susunod sa estudyante?

 

Nais mo bang magdagdag ng review? Bisitahin ito – Learning Board: University Reviews

 

Contributor

Register for free & contribute to our collections! Write an article, post learning, and share files through ClopiTask. Or, send your work via email - connect@clopified.com

Subscribe
Notify of
guest

0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments
Clopified